Open Access. Powered by Scholars. Published by Universities.®

Other Film and Media Studies Commons™

Open Access. Powered by Scholars. Published by Universities.®

Articles 1 - 9 of 9

Full-Text Articles in Other Film and Media Studies

‘Balatyagon, Huya, Kag Kabalaslan’: Ang Kampanya Ng Mga Pilipinong Baptist Tungo Sa Pagsasarili At Pagsasakapangyarihan, 1922–1935, Kristoffer R. Esquejo Jun 2025

‘Balatyagon, Huya, Kag Kabalaslan’: Ang Kampanya Ng Mga Pilipinong Baptist Tungo Sa Pagsasarili At Pagsasakapangyarihan, 1922–1935, Kristoffer R. Esquejo

Malay Journal

Gamit ang tatlong larangan ng sikolohiya ng pakikipag-ugnayang panlipunan, itinatampok ng papel na ito ang pagkakatatag ng Convention of Philippine Baptist Churches (CPBC), isang denominasyong Protestante na nakasentro sa Kanlurang Bisaya, bilang resulta ng kompromiso ng mga Pilipinong Baptist at ng American Baptist Foreign Mission Society (ABFMS) noong 1935. Kolektibong nasadlak ang mga Pilipinong Baptist sa isang kumplikadong sitwasyon noong dekada 20 at dekada 30. Sa isang banda, naging saksi at biktima sila sa paternalismo at diskriminasyong ipinaiiral ng mga misyonerong Amerikano. Naging mulat din sila sa pagsiklab ng samotsaring kilusang agraryo at pagkilos ng mga samahang manggagawa sa iba’t …


Pagawaan/Piitan: Konsepto At Rekonseptuwalisasyon Ng Bartolina Bilang Danas At Talinghaga Sa Koleksiyong Makabayang Antolohiya Ng Unyonista-Bilanggong Politikal Na Si Randy Bulan Vegas, Jonathan V. Geronimo Jun 2025

Pagawaan/Piitan: Konsepto At Rekonseptuwalisasyon Ng Bartolina Bilang Danas At Talinghaga Sa Koleksiyong Makabayang Antolohiya Ng Unyonista-Bilanggong Politikal Na Si Randy Bulan Vegas, Jonathan V. Geronimo

Malay Journal

Tampok sa papel na ito ang dalumat ng bartolina bilang konsepto at rekonseptuwalisasyon sa danas ng mga bilanggong politikal, sa partikular ang danas at talinghaga sa pagtula ng isang unyonista-bilanggong politikal na si Randy Bulan Vegas. Ipinook ang piling tula ni Vegas sa nagpapatuloy na tradisyon ng pag-akda sa piitan ng mga uring manggagawa sa kasaysayang Pilipino; maikling pagpapakilala sa poetika ng makata; bartolina bilang konsepto sa akda ng iba pang bilanggong politikal at manipestasyon nito sa danas at talinghaga ng binuong koleksiyon ni Vegas. Nais mag-ambag ng papel sa diskurso hinggil sa kalagayan ng paggawa sa bansa, panukalang modelo …


Mula Sa Editor (Disyembre 2024), Rowell D. Madula, Dolores R. Taylan Dec 2024

Mula Sa Editor (Disyembre 2024), Rowell D. Madula, Dolores R. Taylan

Malay Journal

No abstract provided.


Mga Kontribyutor Sa Isyu At Panawagan Sa Kontribusyon, Malay Journal Dec 2024

Mga Kontribyutor Sa Isyu At Panawagan Sa Kontribusyon, Malay Journal

Malay Journal

Ipinakikilala rito ang mga awtor ng mga artikulong nakapaloob sa isyu. Inilalahad din ang mga mahahalagang detalye para sa mga interesadong magsumite ng pananaliksik sa journal.


Mula Sa Editor (Hunyo 2024), Rowell Madula, Dolores R. Taylan Jun 2024

Mula Sa Editor (Hunyo 2024), Rowell Madula, Dolores R. Taylan

Malay Journal

Nilalaman nito ang pambungad na mensahe ng mga editor para sa isyu.


Talaan Ng Mga Editor At Nilalaman, Malay Journal Jun 2024

Talaan Ng Mga Editor At Nilalaman, Malay Journal

Malay Journal

Nakatala sa dokumento ang listahan ng mga editor at nilalaman ng buong isyu.


Mula Sa Editor (Disyembre 2023), Rowell Madula Dec 2023

Mula Sa Editor (Disyembre 2023), Rowell Madula

Malay Journal

Nilalaman nito ang pambungad na mensahe ng mga editor para sa isyu.


Intelektuwal Na Talambuhay Ni Bonifacio P. Sibayan: Muhon Ng Pagpaplanong Pangwika At Bilingguwal Na Edukasyon Sa Pilipinas, Jay Israel B. De Leon Dec 2022

Intelektuwal Na Talambuhay Ni Bonifacio P. Sibayan: Muhon Ng Pagpaplanong Pangwika At Bilingguwal Na Edukasyon Sa Pilipinas, Jay Israel B. De Leon

Malay Journal

Nilalayon ng papel na ito na pag-aralan ang buhay at mga gawa ni Bonifacio P. Sibayan (1916–2005), isang Pilipinong lingguwista, sa pamamagitan ng isang intelektuwal na talambuhay. Partikular nitong sinisiyasat ang kaniyang mga ideya bilang tagapangunang iskolar ng pagpaplanong pangwika sa Pilipinas. Pangunahing ginamit ang mga primaryang batis na nasusulat, katulad ng mga aklat at mga artikulo, at di-nasusulat, katulad ng personal na panayam sa mga iskolar na nagkaroon ng personal na interaksiyon kay Sibayan. Ginabayan naman ng metodong biograpikal, partikular ng anyong iskolarli-historikal, at balangkas ng intelektuwal na talambuhay ang pagsusuri ng papel. Tatlong pangunahing tema ng mga ideya …


Mula Sa Editor (Disyembre 2020), Florentino T. Timbreza, Rowell Madula Dec 2020

Mula Sa Editor (Disyembre 2020), Florentino T. Timbreza, Rowell Madula

Malay Journal

Nilalaman nito ang pambungad na mensahe ng mga editor para sa isyu.